Naging matagumpay ang dayalogo sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga grupo ng manggagawa.
Ayon sa tagapagsalita ng Labor Groups na si Rene Magtubo, matapos ang tatlong oras na pagpupulong, mas luminaw ang plano ng gobyerno laban sa kontraktwalisasyon nang sabihin ng Pangulo na hindi niya tatalikuran ang pangako sa mga manggagawa.
Ikinatuwa rin ng labor groups nang ipabatid sa kanila ni Pangulong Duterte na naiintindihan niyang mga malalaking kumpanya lamang ang nakikinabang sa kontraktwalisasyon.
Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo ang mga manggagawa na bantayan ang mga sangay ng gobyerno na inatasan niyang kumilos kontra endo.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco