“Pagsisisi, pakikinig at pagbabagong-loob…”
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngayong Miyerkules de Ceniza o Ash Wednesday.
Sa kanyang misa sa Arzobispado de Manila sa Intramuros, binigyang diin ni Cardinal Tagle na walang silbi ang pagsisisi lamang sa mga kasalanan kung walang kaakibat na aksyon at iyon ay ang pagbabagong-loob.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle
Ipina-unawa rin ni Cardinal Tagle ang kahalagahan ng pakikinig sa mga salita ng Diyos na mas mahalaga aniya kaysa sa alinmang uri ng salita.
Nakalulungkot aniya sa panahon ngayon na mas pinakikinggan pa ng tao ang mga salitang walang kabuluhan kaysa sa mga salita ng Diyos.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle
By Jaymark Dagala | Report from Aya Yupangco (Patrol 5)