Tututukan ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang mga high level drug syndicates sa kanilang mga operasyon kontra iligal na droga.
Ito ang kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sabay paglilinaw na hindi magiging bahagi ng nasabing kampanya ang buong AFP.
Maglalaan lamang aniya sila ng mga unit na susuporta sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency partikular ang kanilang intellegence at elite forces.
Very specific ayon kay Año ang gagampanan nilang papel sa kampanya kontra droga ng gobyerno dahil karaniwang nagtatago ito sa mga liblib at bahagi ng bansa.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AFP Facebook Account