Nirerespeto ng kampo ni Senador Leila De Lima ang desisyon ng korte suprema makaraang mabigong makakuha ng Temporary Restraining Order o TRO kaugnay sa warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204.
Sa halip, binigyan ng Supreme Court ang mga respondent sa kaso kabilang na si Judge Juanita Guerreo ng Muntinlupa RTC at ang Philippine National Police (PNP) ng sampung araw para magsumite ng komento at sagutin ang petisyon ni De Lima.
Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Alex Padilla, legal counsel ni De Lima, na mas pinaghahandaan nila ngayon ang oral arguments sa March 14 kung saan maidedepensa ng kanilang panig at ng respondents ang kanilang kaso.
Nai-raffle na ang petisyon ni De Lima at napunta kay Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr.
By Meann Tanbio