Kumbinsido si PNP Chief Ronald Dela Rosa na may kinalaman sa iligal na droga ang planong pagpatay sa kanya.
Ayon kay Dela Rosa, bagamat hindi pa tukoy ang tunay na motibo ng umano’y assasination plot sa kanya ng Maute Grupo, naniniwala ang hepe ng pambansang pulisya na pera mula sa droga ang nagpondo sa teroristang grupo.
Ayon kay Dela Rosa, sumailalim na sa interogasyon ang isa sa mga naarestong Maute Group member na kabilang sa planong pagpatay sa kanya noong Enero 25 sa Marawi City.
Sa kabila nito, walang plano si Dela Rosa na dagdagan ang kanyang seguridad dahil hindi, aniya, siya natatakot mamatay habang nasa serbisyo.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal