Mananatili sa Supermajority ng House of Representatives ang Liberal Party Congressmen sa kabila ng pagapapatalsik sa Liberal Party Senators mula sa kani-kanilang posisyon.
Sinabi ni Minority Congressman Danilo Suarez, nakuha niya ang impormasyon mula sa hanay mismo ng mga kongresistang kaalyado ng administrasyon.
Samantala, sa usapin kung sino ang magiging minority leader kapag nagkaroon na ng botohan sa death penalty bill at iba pang panukalang batas sa kongreso, sinabi ni Suarez na hindi basta-basta mapapalitan ang minorya.
Hindi aniya porke’t maraming boto ang posibleng makuha ng grupo ni Congressman Edcel Lagman, magiging minority leaders na sila.
Sinabi pa ni Suarez na kailangan ding muling magbotohan sa pagka-speaker bago makakuha ng bagong minority floor leader.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc