Sisilipin ng Malacañang kung legal at constitutional ang iginawad na amnestiya kay Sen. Antonio Trillanes IV ng nakalipas na administrasyon.
Kasunod naman ito ng ulat na ilang legal groups ang nagsabing duda sila sa legalidad ng amnestiya kay Trillanes dahil hindi naman ito na-convict sa kasong rebelyon.
Matatandang nakulong si Trillanes sa PNP-Custodial Center at pinalaya ni dating Pangulong Noynoy Aquino matapos pagkalooban ng amnestiya.
Dahil dito, ibinabala ni Chief Presidential legal Counsel Atty. Salvador Panelo na sakaling mapatunayang hindi “valid” ang amnestiya ay posibleng mabalik ang Senador sa kulungan.
By: Jelbert Perdez / Cely Bueno