Sasailalim sa preliminary investigation ang dalawang Pulis-Maynila makaraang makasuhan ng illegal arrest.
Nakatakdang humarap sina PO1 Mark Donald Jose at PO1 Glen Anthony Raduvan sa Department of Justice sa Lunes, alas 2:00 ng hapon.
Ayon sa CITF o Counter Intelligence Task Force, nakatanggap sila ng sumbong sa kanilang text hotline noong Linggo hinggil sa umano’y talamak na pangongotong sa mga motorista sa Bonifacio Drive, Intramuros, Maynila.
Sa ikinasang entrapment operation, kinotongan nina Jose at Raduvan ang CITF asset at tinutukan ito ng baril bago pa nila makuha ang 200 Pisong iniaabot sa kanila.
By: Avee Devierte / Bert Mozo