Isinisi ng PNP sa maling pag-uulat ang pagsuspindi ng kanilang pagsugpo sa iligal na droga.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” inihalimbawa ni PNP Spokesman Police Senior Superintendent Dionardo Carlos ang 7000 napaulat na mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa iligal na droga.
Sinabi ni Carlos na hindi iniulat na under investigation na ang mga ito at dahil sa nanlaban ang mga suspect.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay PNP spokesman Carlos sa panayam ng DWIZ
By: Avee Devierte