Bubuksan ng Philippine Army ang kanilang pintuan para sa mga nais pumasok sa kanilang organisasyon.
Tinatayang 14000 bagong slots sa army ang kailangang punan.
Bukas ang mga ito para sa sinumang natural born Filipino citizen, edad 18 hanggang 23, limang talampakan ang taas, walang asawa at anak at mayroong good moral character.
Gayunman, dapat pumasa sa Philippine Army Aptitude test battery Armed Forces of the Philippines service aptitude test, pre-qualifying physical fitness test at physical medical exam at higit sa lahat ay dapat physically at mentally fit para sa military training ang sinumang nais mag-sundalo.
By: Drew Nacino