Nagpahayag ng pagkabahala ang CHR o Commission on Human Rights sa kaligtasan ni Senador Leila de Lima na nakapiit ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Ayon kay CHR Commissioner Karen Dumpit, nag-iisa lamang na babae si De Lima mula sa dalawampu’t anim (26) na mga nakapiit sa naturang kulungan.
Bukod dito, karamihan pa sa mga kasama ni De Lima sa loob ay kanyang pinaimbestigahan at ipinakulong noong sya ay naging CHR Chairperson at kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Matatandaan na sa ilalim ni liderato ni De Lima sa DOJ nang makasuhan at tuluyang mapakulong sina Senador Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile dahil kontrobersiyal na pork barrel fund scam.
By Rianne Briones