Idineklara na ang state of calamity sa South Cotabato bunsod ng walang tigil na pagbuhos ulan doon na halos tumagal ng isang araw.
Tatlo (3) katao na rin ang naiulat na nasawi.
Umapaw din ang mga ilog at dalawang malalaking tulay na ang nasira kasama ang mga barangay bridges, flood control projects at mga pananim.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes, kalbong kabundukan ang dahilan ng pagbaha sa lalawigan.
Kauganay nito, nananawagan ng tulong ngayon sa national government ang provincial government ng South Cotabato para ayusin ang mga nasira sa imprastraktura ng lalawigan.
“Kaya nag-declare na kami ng state of calamity, kahit sa mga tulay naming nasira, isa o dalawa lang ay makahingi kami ng tulong sa national government.” Pahayag ni Fuentes.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita