Walang nakukuhang pressure ang CA o Commission on Appointments mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kumpirmasyon ni Environment Secretary Gina Lopez.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hindi siya nakatanggap ng anumang tawag o sulat mula sa Pangulo.
Matatandaang na-reset ang nakatakdang pagsalang ni Lopez sa CA kahapon matapos ang rigodon sa liderato ng Senado.
Sinabi naman ni Pimentel na sa susunod na linggo ay matutuloy ang pinahihintay na pagharap ni Lopez sa komite.
Samantala, siniguro ni Senador Manny Pacquiao, Chairman ng Committee on Environment sa Commission on Appointments, na dadaan sa butas ng karayom ang kumpirmasyon ni Lopez dahil sa dami ng mga naghain ng oposisyon laban sa kalihim.
By Rianne Briones