Aminado si Senate President Koko Pimentel na matindi ang magiging labanan sa pagitan ng mga senador na pabor at kontra sa death penalty bill.
Gayunman, sinabi ni Pimentel na posible pa ring makalusot sa senado ang nasabing panukala kung malilimitahan lamang din sa mga drug related crimes ang pagpapataw ng nasabing parusa.
Tiyak aniyang marami sa mga senador ang papabor dito lalo’t itinuturing na pinaka-malala ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Giit pa ni Pimentel, bagama’t may mga pinasok na international treaties ang Pilipinas kontra death penalty, kailangan pa rin aniyang talakayin ito ng malaliman.
By Jaymark Dagala | With Report from Cely Bueno