Maaari nang makuha ng dalawang milyong retiradong miyembro ng SSS o social security system ang P1,000 dagdag sa kanilang pensyon simula Marso 3.
Ayon sa SSS, umabot sa dalawang bilyong piso ang kanilang naideposito at available na ito para ma-withdraw ng mga pensioner sa Marso 3.
Magugunitang retroactive mula Enero ng kasalukuyang taon ang inaprubahang pension hike.
Ang sunod na dagdag na tig-isang libo pa ay ibibigay ng SSS sa March 10 at 17.
By Meann Tanbio