Ibinabala ng isang mambabatas na posibleng magbalik na ang puwersa ng Liberal Party sa mababang kapulungan ng kongreso.
Ito ang inihayag ni Liberal Party Secretary General at Quezon City Representative Kit Belmonte kasunod ng mga pangyayari na naglulugmok umano sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kahihiyan.
Ayon sa mambabatas, makikita aniya ito sa darating na Miyerkules ng susunod na linggo sa kasagsagan ng botohan sa death penalty bill.
Gayunman ayon sa source ng DWIZ, hindi totoo ang ipinahayag ni Belmonte dahil marami pa rin sa mga Liberal Party congressmen ang nagpasyang manatili sa supermajority at boboto pabor sa pagpasa sa nasabing panukala.
By Jaymark Dagala |With Report from Jill Resontoc
Photo Credit: Representative Kit Belmonte Facebook Account