Binawi ng impormante ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang akusasyon nitong tinangka ni dating Senador Jamby Madrigal na suhulan ang high profile inmates para baligtarin ang naunang pag testigo laban kay Senador Leila de Lima.
Sinabi ni Lalaine Martinez, asawa ng drug convict na si Noel Martinez hindi siya sigurado sa mga nasabi niya kay Aguirre.
Dahil dito humingi na ng paumanhin si Martinez kay Madrigal subalit iginigiit niyang nakatanggap siya ng tawag mula sa isang taong nagpakilalang si Alonte at nag alok ito ng pera para sa pagbaligtad ng mga inmate pabor kay De lima.
Una nang ipinabatid ni Martinez kay Aguirre na nag alok umano si Madrigal ng 100 Million Pesos sa high profile inmates para linisin ang pangalan ni De Lima sa usapin ng umanoy operasyon ng iligal na droga sa NBP o New Bilibid Prisons.
By: Judith Larino