Ikinaalarma ng WHO o World Health Organization sa Western Pacific region ang tumataas na antas ng obesity sa Pilipinas.
Sa datos ng National Nutrition Survey, umakyat na sa 5% noong 2013 ang mga overweight na bata na zero hanggang five years old mula 1% noong 1989.
Dahil dito, nakikipagtulungan na ang WHO sa National Nutrition Council o NNC upang matugunan ito.
Lumitaw din umano sa Global school-based Health Survey na 13 porsiyento ng mga nasa hustong gulang sa Pilipinas ay overweight at obese.
Sinasabing tumatandang mataba ang mga batang obese at nanganganib ding dapuan ng non-communicable diseases o NCDS tulad ng diabetes at cardiovascular diseases.
By Jelbert Perdez