Ikinahiya ni Congressman Teddy Baguilat ang pagiging mambabatas niya at napaiyak pa nang aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang death penalty bill.
Sinabi ni Baguilat na nakasusuka ang ginawang sistema ng liderato ng mababang kapulungan para lamang ipilit ang pagpasa sa panukalang batas.
Ayon sa mambabatas, hindi binigyan ng pagkakataon na magpasya ang mga kinatawan dahil ibinasura ng liderato ang kanilang mga mosyon.
Idinaan, aniya, sa nominal voting ang amendments sa halip na bilangin kung ilan ang pabor at kontra sa death penalty bill.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc