Isang Peace and Security Summit ang isasagawa ng Department of National Defense sa Sulu.
Ayon kay Defense Public Affairs Service Chief Arsenio Andolong pangungunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing summit kasama ang defense officials ng bansa.
Sinabi ni Andolong na layon ng nasabing summit na i educate ang Muslim community sa Sulu lalo na ang mga kabataan sa radicalization.
Bukod dito ipinabatid ni Andolong na hihikayatin din ang mga lokal na pamahalaan sa Mindanao maging ang mga residente na huwag kanlungin ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa gitna na rin nang pinaigting na operasyon ng gobyerno laban sa mga bandido.
By: Judith Larino