95 porsyento ng mga nahuhukay na minerals ay ini e export sa ibang bansa.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Tina Pimentel ng grupong Bantay Kita at ang direkta aniyang nakikinabang dito ay mga kumpanyang nag e export ng Raw Ore.
Sinabi pa ni Pimentel na walang export tax na ipinapataw sa mga inilalabas na minerals.
Naging kalakaran na rin aniya ang self reporting ng mga mining company na siyang nagdedeklara kung magkano ang kanilang kinita
Pakingan : Bahagi ng panayam kay Tina Pimentel ng grupong bantay kita sa DWIZ
By: Judith Larino