Naki simpatiya si Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan sa ilang inabandonang Vietnamese Family ng mga sundalong Hapon matapos ang World War 2.
Si Emperor Akihito at Empress Michiko ay hinarap ng 16 na maybahay kasama ang kanilang mga anak sa makasaysayang pagbisita sa Vietnam sa kauna unahang pagkakataon sa mga opisyal ng Japan.
Misyon ng Japanese Empress ang paghilom ng sugat mula sa nakalipas na giyera at ang mapait na nakaraan na sinapit ng mga pamilya sa Hanoi.
Bagamat karamihan sa mga sundalong Hapon ang bumalik sa kanilang bansa matapos ang Vietnam War nuong 1945 nasa 600 pa ang nananatili para ipaglaban ang kalayaan ng Vietnam sa laban sa French Colonial Forces.
By: Judith Larino