Patay ang limang (5) hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa pakikipagbakbakan sa militar sa Indanan, Sulu.
Ayon sa Western Mindanao Command, 11 sundalo naman rin ang sugatan sa nasabing engkuwentro sa Barangay Bud Taran.
Kaagad namang ini-evacuate sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang mga sugatang sundalo para kaagad magamot.
Sinabi ni Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na ang nakasagupa ng militar ay parehong grupo na namugot kay German national Juergen Kantner.
By Judith Larino