Tinawag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na hayop ang Abu Sayyaf Group kasunod ng pamumugot ng mga ito sa kanilang bihag na isang German national.
Ayon kay DND Spokesman Director Arsenio Andolong, dismayado si Lorenzana sa panibagong pagkilos na ito mga Abu Sayyaf lalo’t hindi na maituturing na tao ang makagagawa ng naturang brutal na pamamaraan ng pagpatay.
Siniguro naman ni Lorenzana na gagamitin ng pamahalaan ang full force of the law para maparamdam sa naturang mga terorista ang galit ng sambayanan.
Kaugnay nito, natakdang gamitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bagong biling surface to surface missile para tuluyang madurog ang bandidong grupo.
Sa ngayon, nananatiling hawak ng Abu Sayyaf ang tatlumpu’t isang (31) mga bihag kabilang ang labing dalawang (12) vietnamese, anim (6) na Pilipino, isang dutch, pitong (7) Indonesian at limang (5) Malaysians.
By Rianne Briones