Dumating na sa Sulu ang combat personnel ng AFP o Armed Forces of the Philippines para sa operasyon laban sa Abu Sayyaf Group.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, kasama sa mga ipinadala para pumronta sa operasyon ang matitikas at de-kalibre nilang commanders, seasoned soldiers, airmen, sailors at marines.
Sa panig naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, sinabi nito na hindi lang military solution ang kailangan para mapulbos ang Abu Sayyaf dahil hangga’t mayroong lokal na opisyal at mga residenteng kumakanlong sa mga terorista, hind matatapos ang problema sa mga ito.
By Meann Tanbio | Report from Jonathan Andal (Patrol 31)