Hinikayat ng CHR o Commission on Human Rights ang mga mambabatas na pag-aralang mabuti ang death penalty bill.
Ito’y upang walang malabag na international human rights treaty obligations ang pilipinas sa sandaling maisabatas.
Sa inilabas na kalatas ng CHR, kanilang ikina-a-alarma at ikinabibigla ang anila’y mabilis at paspasang pagsasabatas ng muling pagpapatupad ng parusang bitay sa bansa.
Binanatan din ng CHR ang anila’y kakaibang paraan sa pagpasa ng kongreso sa naturang batas na tila hindi anila nagpapakita ng pagiging transparent at hindi sumasalig sa karapatang pantao.
By Jaymark Dagala