Ipinasara na ng monetary board ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang Rural Bank of Barotac Viejo sa lalawigan ng Iloilo.
Batay sa Resolution No. 284 na may petsang Pebrero 26, inatasan ng monetary board ang PDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation na kunin na ang pamamahala sa nasabing bangko.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa nasabing bangko, mayroon itong mahigit 4,000 deposit accounts, mayroon itong total liabilities na nagkakahalaga ng 142 milyong piso habang mayroon itong insured deposits na nagkakahalaga ng mahigit 117 milyong piso o katumbas ng 82% ng total deposit.
Tiniyak naman ng PDIC na mababayaran ang lahat ng mga depositor ng nasabing bangko sa ilalim ng batas na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso habang hindi na kailangan pang mag-file ng insurance claims ang mga depositors na mayroong P100,000.00 deposito.
By Jaymark Dagala |With Report from Aya Yupangco