Nakatakdang imbestigahan ng Kamara ang lantarang paglabag ng mga opisyal ng Cebu Provincial Jail sa karapatang pantao ng kanilang mga bilanggo.
Kasunod nito ng ginawang pagpapahubad sa mga naturang preso kung saan, nagviral pa ang larawan nito sa social media at umani ng kaliwa’t kanang batikos mula sa human rights group.
Ayon kay ACT Partylist Representative Antonio Tinio, malinaw na may naging paglabag ang karapatan ng mga bilanggo lalo’t hindi pa naman nahahatulan ang mga ito.
Kahit mga bilanggo aniya ay may karapatan pa rin sa ilalim ng batas kaya’t hindi dapat nakararanas ng anumang klaseng panghihiya ang mga ito lalo na sa harap ng publiko.
By Jaymark Dagala |With Report from Jill Resontoc