Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasugatan sa pakikipagbakbakan nito sa Mindanao.
Nais ng Pangulo na personal na malaman ang kundisyon ng 11 sugatang sundalo sa Jolo, Sulu na handang mag-alay ng buhay para sa bayan.
Mula sa Jolo, di-diretso ang Pangulo sa Cagayan De Oro para bisitahin ang iba pang sugatang sundalo na naroon.
Pagtitiyak ng Pangulo, makaka-asa ng tulong ang pamilya ng mga sugatan gayundin ng mga nasawing sundalo sa bakbakan.
By Jaymark Dagala |With Report from Aileen Taliping