Kukwestiyunin ng Buhay Partylist sa Supreme Court ang death penalty sakaling ipasa ng Kongreso ang panukalang batas na layong ibalik ang parusang kamatayan.
Sinabi ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza, hindi pa nililinaw ng gobyerno ang isyu na lumagda ang Pilipinas sa International Covenant on Civil and Political Rights na kumukontra sa death penalty.
Bukod dito, sinabi rin ni Atienza na tanging mga mahihirap na hindi kayang magbayad ng mga magagaling na abugado ang masisintensyahan ng parusang kamatayan.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco