Posibleng mapaaga ang pagkaubos ng supply ng kuryenteng nakukuha mula sa Malampaya gas facility.
Ibinabala ito ni Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla matapos ang isinagawang inspeksyon sa nasabing pasilidad.
Sinabi ni Petilla na malaking pinsala sa pagsu-supply ng enerhiya ang mga leakage na naitatala sa malalaking tubo nito.
Batay sa pagtaya ni Petilla, hanggang 9 na taon lang ang itatagal ng reserba sa Malampaya kaya’t dapat matiyak ang maayos na maintenance nito para maiwasan ang shutdown ng power supply sa Luzon.
By Judith Larino