Matapos ang pag-amin sa breakup nila ni Presidential Son Baste Duterte, nalilink naman ngayon ang aktres na si Ellen Adarna sa aktor na si John Lloyd Cruz.
Ito ay makaraang magpost si Ellen sa kanyang instagram ng larawan nila ni John Lloyd habang nasa isang bakasyon sa Ilocos Norte.
Pero hindi na napigilan pa ni Ellen ang mga isyung naglalabasan at sinagot ang isang netizen.
Giit ni Ellen bakit kailangan laging bigyan ng malisya ang kanyang pakikipagkaiban.
Una nang ipinaliwanag ni Ellen na walang gusto sa kanya si John Lloyd at sa katunayan ay matagal na aniya silang magkakilala ng aktor bago pa man siya pumasok sa showbiz.
By Ralph Obina