Sumuko ang dalawa pang miyembro ng New People’s Army sa Western Command.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Ka Jerom at alyas Ka Jessan.
Ayon sa Western Command, sinabi ng mga sumuko na pagod na sila sa kanilang kilusan dahil tila nagkakaroon, anila, diskriminasyon at korapsyon.
Magugunitang sumuko noong Pebrero 17 ang pitong rebeldeng komunista.
By: Avee Devierte