Nanganganib na matanggal sa pwesto si NFA o National Food Authority Administrator Jason Aquino dahil sa pagsuway sa utos na palawigin ang pag-aangkat ng bigas.
Ayon kay NFA Council Chairman Leoncio Evasco, hindi pinalawig ni Aquino hanggang March 31, sa pamamagitan ng minimum access volume scheme, ang makapag-angkat ng bigas sa lahat ng pwedeng mapagkunan.
Sa halip, tanging sa India at Pakistan lamang ang itinakda ni Aquino na maaaring pag-angkatan ng bigas.
Paliwanag ni Evasco, dahil sa hindi pagtalima ni Aquino sa kautusan ng NFA council, nalalagay sa alanganin ang pambansang seguridad sa pagkain at posibleng maragdagan pa ang utang ng Pilipinas.
By: Avee Devierte