Arestado ng NBI o National Bureau of Investigation ang isang lalaki na nagpapanggap na si Transportation Secretary Arthur Tugade para makapanloko sa isang negosyante sa San Pedro, Laguna.
Kinilala ang suspek na si Vimbo Flores Avilla kung saan halos 100 Milyong Piso ang natangay niya mula sa ‘di pinangalanang negosyante
Ayon kay NBI Anti-Graft Division Supervising Agent Nathaniel Ramos, modus ni Avilla, tinatawagan ang mga opisyal ng Department of Transportation at magpapanggap bilang si Tugade
Napapaniwala nito ang kanyang kausap dahil ginagawa ang boses ng kalihim
Inihahanda na ng NBI ang pagsasampa ng kasong estafa laban kay Avilla
Taong 2012, naaresto rin si Avilla matapos magpanggap na si dating Vice President Jejomar Binay kung saan humingi siya ng donasyon mula sa isang negosyante
By: Meann Tanbio