Inurong sa Mayo ang confirmation hearing ni Environment Secretary Gina Lopez.
Bukas sana naka-iskedyul ang confirmation hearing, subalit ipinagpaliban ito sa Mayo 3 dahil lalabas sa bansa ang kalihim para dumalo sa isang retreat.
Ito ang ikatlong pagkakataon na ini-reschedule ang pagsalang ni Lopez sa confirmation hearing.
Matatandaang naghain ng opposition ang Chamber of Mines of the Philippines laban sa confirmation ni Lopez dahil sa pagiging bias umano nito sa large-scale mining industry
By: Meann Tanbio