Tinatayang aabot sa 200 ang napatay ni retired SPO3 Arturo Lascañas sa panahon ng kaniyang pananatili sa DDS o Davao Death Squad mula nuong 1989
Sa kaniyang muling pagharap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kahapon, sinabi ni Lascañas na kabilang sa kaniyang naging biktima ang 11 Chinese nationals na sangkot sa iligal na droga
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag ni retired SPO3 Lascañas sa Senate hearing
Pinatotohanan din ni Lascañas ang mga naging pahayag ng self confessed hitman na si Edgar Matobato hinggil sa ginawang pagpatay kina Jun Bersabal at sa komentaristang si Jun Pala
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag ni retired SPO3 Lascañas sa Senate hearing
Idiniin din ni Lascañas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpatay sa pamilya Patajasa nuong siya’y alkalde pa ng Davao City
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag ni retired SPO3 Lascañas sa Senate hearing
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno