Posibleng binabalak ng National Bureau of Investigation na kasuhan si retired SPO3 Arturo Lascañas makaraang aminin sa Senate Investigation ang mga ginawang pagpatay.
Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson, sumulat sa kanya ang NBI kung saan humihingi ito ng kopya ng transcript ng ginawang pagtestify ni Lascañas at kopya ng kanyang sinumpaang salaysay.
Si Lascañas lang talaga, aniya, ang tanging tatamaan sa ginawa niyang pagtestigo kaya’t siya lang ang maaring makasuhan at makulong matapos ang pagtestify nito hinggil sa mga pagpatay na kanyang kinasangkutan.
By: Avee Devierte / Cely Bueno