Hindi pa rin ganap na nakakamtam ang gender eqaulity sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ang lumabas sa global survey ng Ipsos MORI sa kabila ng pagsang-ayon ng mahigit labim pitong libo (17,000) kataong sinurvey na ang lalake at babae ay may pantay dapat na karapatan.
Patunay nito, isa sa bawat limang tao sa buong mundo ang naniniwalang mas mahina ang mga babae sa mga lalake.
Halos kalahati ng mga nasurvey sa China, Russia at India ang nagsabing mas superior ang mga lalake kaysa sa mga babae at mas magaling sa pagdating sa trabaho at edukasyon.
Maliban dito, tatlo sa apat na respondents ang nagsabing nakakaranas pa rin hanggang sa ngayon ang mga kababaihan ng social, political at financial inequality.
Samantala, dalawampu’t apat (24) na bansa naman gaya ng Brazil, Canada, Russia, Britanya, India at Sweden ang nagpahayag na sila ay mga pemenista.
Gayunman, umamin ang mga ito na takot silang magsalita at ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.
By Ralph Obina