Hinihintay na ng Department of Foreign Affairs ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong DFA Secretary matapos mabigo si Perfecto Yasay na makalusot sa Commission on Appointments bilang top diplomat ng bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant-Secretary at Spokesman Charles Jose, nirerespeto nila ang naging desisyon ng CA at naka-antabay kung sinuman ang itatalaga ng pangulo.
Magsasagawa rin anya silang mga opisyal ng DFA ng “urgent meeting” hinggil sa issue.
Sa kabila nito, tinitiyak ng kagawaran na magiging maayos ang transition at magpapatuloy ang kanilang serbisyo sa publiko.
By: Drew Nacino