Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kababaihan bilang mga bayani.
Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng International Women’s Day.
Ayon sa Pangulo, mapalad ang Pilipinas dahil maraming Pilipina ang kilala sa ibat-ibang larangan at sektor ng lipunan.
Ibinida pa ni Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa asya na mataas ang ranking sa usapin ng gender equality.
Makakaasa aniya ang sambayanan sa kanyang administrasyon na gagawin ang lahat upang mapanatili ang pagkilala sa mga pilipina sa buong mundo at sa kanilang mahalagang papel sa napiling larangan tulad ng sports, science, governance, education, public service at sining.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping