Hinamon ng militar ang mga militanteng grupo na kondenahin ang pamamaslang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa apat (4) na pulis na tinambangan ng mga ito sa Bansalan, Davao del Sur.
Ayon kay Philippine Army 73rd Infantry Battalion Lt. Col Daryll Cansancio, hinihintay nila ang pakikisimpatya ng mga militanteng grupo sa mga biktima ng ambush.
Binatikos ng opisyal ang mga militanteng grupo na wala aniyang ibang alam gawin kundi ang kundinahin ang mga lehitimong operasyon ng gobyerno.
Habang ipinasasawalang bahala naman aniya ng mga rebelde ang pagkakasawi ng mga alagad ng batas sa mga ginagawang pagsalakay ng NPA.
By Ralph Obina