Magsasanib puwersa ang Philippine National Police at Philippine Army sa Davao Del Sur upang tugisin ang grupo ng NPA o New People’s Army na responsable sa pagpatay sa 4 na pulis sa Bansalan, Davao Del Sur.
Ayon kay Senior Superintendent Samuel Gadingan, hepe ng PNP Davao Del Sur, nakipag ugnayan na sila sa Philippine Army para sa isang joint massive tactical operations.
Target ng operasyon ang grupong NPA front committee 61 na di umano’y pinamumunuan ng isang alyas Greg o alyas Macoy.
Sa ngayon anya ay nasa hightened na ang PNP Davao Del Sur at nagdagdag na sya ng tao sa PNP Bansalan at sa iba pang liblib na bayan sa Davao Del Sur na kulang sa pulis.
Sinabi ni Gadingan na tinitignan nila ang posibilidad na gumanti ang npa sa mga pulis dahil sa pagkamatay ng ilan nilang kasamahan sa isang engkwentro sa Barangay Alegre sa bayan rin ng Bansalan kamakailan.
Ang masakit lamang anya ay ang paraan ng pagpatay ng NPA sa mga pulis lalo na sa miyembro ng SOCO na rumesponde lamang sa lugar pag imbestigahan ang isang kaso ng pagpatay.
By Len Aguirre