Titiyakin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seguridad at kaligtasan sa Central Mindanao bago tuluyang buksan ang barter trade sa Sulu, Tawi-Tawi maging sa Zamboanga at sa Sabah, Malaysia.
Ayon kay Pangulong Duterte, nananatili ang banta ng Abu Sayyaf at ayaw niyang makompromiso ang kaligtasan ng mga negosyanteng nais mamuhunan sa Mindanao.
Hindi anya nila inaalis ang posibilidad na dukutin at pugutan ng mga bandido ang mga negosyante at magiging malaking problema ito ng gobyerno.
Inihayag ng Pangulo na noong may barter trade sa Mindanao ay maayos ang buhay ng mga tao, mapayapa ay walang Abu Sayyaf kaya’t titingnan ng gobyerno kung paano matulungan muli ang mga mamamayan sa Mindanao.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping