Nanawagan na ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato ang mga kasamahan nitong pulis at miyembro ng Davao Death Squad na lumantad na rin.
Ito’y matapos ang pag-amin ni retired Senior Police Officer 3 Arthur Lascañas kaugnay sa mga pagpatay na kinasasangkutan umano ng DDS.
Aminado si Matobato na bagaman hindi niya inakala na aamin si Lascañas, natutuwa siya nang patunayan nito ang kanyang mga naunang testimonya sa Senado.
Sa pagsuko ni Matobato sa Manila Police District, sinabi nito na mas tiwala siya na ligtas ang kanyang buhay kung sa MPD nakakulong.
Nanawagan naman si Matobato sa publiko na paniwalaan ang kanilang mga testimonya dahil bukod sa totoo ang kanilang mga sinasabi ay nagbalik-loob na sila sa Panginoon.
By: Drew Nacino / Aya Yupangco