Idinepensa ni house majority leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas si House Speaker Panataleon Alvarez.
Ito’y makaraang batikusin si Alvarez dahil sa hindi pa rin pagpapatupad ng rigudon sa Kamara partikular na sa mga may posisyon ngunit bumoto kontra sa death penalty bill
Ayon kay Fariñas, ipinakikita lamang ni Alvarez ang pagiging isang mabuting pinuno at kailangan niyang pag-aralan ang rekumendasyon sa kaniya ng kaniyang mga tauhan.
Giit ni Fariñas, tungkulin niya bilang majority leader na balansehin ang mga tao sa Kamara upang matiyak na magiging katanggap-tanggap pa rin sa publiko ang bagong komposisyon ng mababang kapulungan.
By: Jaymark Dagala