Nakatakdang lumantad ang apat (4) pang pulis na miyembro ng DDS o Davao Death Squad.
Ito ang ibinunyag ni retired SPO3 Arturo Lascañas na aniya’y susuporta sa kanilang mga naging pahayag ni Edgar Matobato.
Dalawa aniya sa mga ito ang direktang tumatanggap din ng utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte habang ang dalawang iba pa ay tulad nilang sumusunod sa utos lamang ng kanilang mga boss.
Una nang binanggit ni Lascañas na tumatanggap sila ng utos mula kina Sonny Buenaventura na nagbibigay ng listahan ng mga itutumba gayundin si Jim Tan na may malawak umanong koneksyon sa mga hitman.
By Jaymark Dagala