Napapanahon na upang ganap nang ipatupad ang ipinasang RH o Reproductive Health Law.
Ito ang pahayag ng mga pro-RH groups kasabay ng panagawan sa Korte Suprema na tanggalin na ang inilabas nitong TRO o temporary restraining order sa nasabing batas.
Ayon kay Juan Antonio Perez III, Executive Director ng POPCOM o Population Commission, malaking hadlang ang TRO sa RH Law lalo na sa target na ma-kontrol ang pagdami ng populasyon sa bansa.
Kabilang sa mga grupong sumusuporta sa RH ang POPCOM, Purple Ribbon Movement, Philippine Legislators Committee on Population and Development katuwang ang Department of Health o DOH.
By Jaymark Dagala