Nagmartsa kaninang umaga, ang iba’t-ibang human rights group, bilang paggunita sa International Day for Victims of Torture.
Mula sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Commonwealth Avenue ay nagtungo ang grupo sa Quezon Memorial Circle.
Iginiit ng human rights groups na kailangang palakasin ang pagpapatupad sa Anti-Torture Act, upang mahinto na ang pagpapahirap at pananakit sa mga inosenteng sibilyan.
Lubha din na ikinababahala ng grupo na mula noong ipatupad ang batas noong 2009, ay wala pang napaparusahan sa mga sangkot sa pangto-torture.
By Katrina Valle