Nagbabala ang Department of Education o DepEd laban sa mga guro na rumaraket sa mga field trip.
Ito ay matapos mapag-alaman ng kagawaran na may ilang guro ang ginagawang negosyo ang mga field trip sa pamamagitan ng kanilang mga koneksyon sa mga travel agencies habang may ilan naman ang kumukuha ng kickback mula sa mga field trip.
Ayon kay Education Assistant Secretary Tonisito Umali, posibleng makasuhan ng dishonesty, gross misconduct at kasong kriminal ang mga gurong mapapatunayang nasa ganitong kalakaran.
Una nang nag-isyu ng moratorium ang DepEd sa pagsasagawa ng mga field trip matapos mamatay ang ilang estudyante sa pagsalpok ng sinasakyang tourist bus sa Tanay Rizal noong Pebrero.
By Ralph Obina